HINDI bababa sa animnapu’t walo ang nasawi makaraang lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Yemen bunsod ng masamang panahon.
Ayon sa Local Authorities, labindalawa lamang ang nailigtas habang pitumpu’t apat pa ang nawawala mula sa isandaang limampung kataong lulan ng bangka na lumubog sa Southern Province ng Abyan.
ALSO READ:
Inihayag ng International Immigration for Migration (IOM) na karamihan sa mga biktima ay pinaniniwalaang Ethiopian Nationals.
Nananatili ang Yemen bilang pangunahing daan para sa mga migrante mula sa Horn of Africa patungong Gulf Arab States para maghanap ng trabaho.