18 July 2025
Calbayog City
Business

Mas mabilis na Economic Growth sa ikalawang bahagi ng 2025, inaasahan ng finance chief

INAASAHAN ni Finance Secretary Ralph Recto na bibilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong ikalawang bahagi ng 2025.

Sinabi ni Recto na tiyak na mas maganda ang ekonomiya ngayong second half, kumpara sa naunang anim na buwan ng taon, na naitala sa 5.4 percent.

Inihayag ng finance chief na magpapatuloy ang paglago bunsod ng Government Consumption at Household Consumption.

Gayunman, posible aniya, na ang maabot lamang na Economic Growth ngayong taon ay ang Lower-End ng target ng pamahalaan na nasa 5.7 hanggang 5.8 percent.

Ang Economic Growth Assumption ngayong 2025 ay ibinaba sa 5.5 hanggang 6.5 percent mula sa dating 6 hanggang 8 percent.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).