KINAPOS ang Alas Pilipinas Men sa Five-Set Showdown laban sa Home Team na Indonesia, sa pagbubukas ng kanilang kampanya sa Leg 2 ng 2025 Southeast Asian Volleyball o SEA V. League.
Nabigo ang koponan ng bansa kontra Indonesian Team, sa score na 19-25, 25-19, 25-21, 22-25, 8-15.
ALSO READ:
Justin Brownlee, pangungunahan ang 18-Man Pool ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
Barangay Ginebra, natakasan ang Phoenix sa nagpapatuloy na Philippine Cup
Hidilyn Diaz, pangungunahan ang Philippine Weightlifting Team sa Thailand SEA Games
Alas Pilipinas Player Ike Andrew Barilea, pumanaw sa edad na 21
Hindi nakahabol ang Philippine Team sa Fourth Set at tuluyang hindi na nakabawi sa Final Frame, dahilan para makakuha ng 0-1, sa Second Leg habang ang Host Country ay mayroon nang 1-0 Win-Loss Card.
Sunod na makakalaban ng Alas Men, na Fourth-Place sa Leg 1 ng torneyo sa Candon City, ang Cambodia, ngayong Biyernes.
