INATAKE ng Israeli Military ang Houthis ng Yemen matapos maglunsad ang mga rebelede ng bagong uri ng Missile sa Israel.
Ayon sa Israel Defense Forces (IDF), inatake nila ang isang Military Site kung saan matatagpuan ang Presidential Palace, pati na ang dalawang Power Plants at isang Fuel Storage Site.
Sa ulat ng Al-Masirah TV, hindi bababa sa apat katao ang nasawi habang animnapu’t pitong iba pa ang nasugatan sa pag-atake sa kabisera ng Yemen na Sanaa.
Inihayag ng IDF na ang kanilang hakbang ay tugon sa paulit-ulit na pag-atake ng Houthi Terrorist Regime laban sa State of Israel at sa mga mamamayan nito.
Ayon sa Israeli Air Force Official, mahigit sampung Fighter Jets ang lumahok sa Strikes, na ang pinakamalayong target ay tinaya, 2,000 kilometers o 1,240 miles mula sa Israel.