INAASAHANG magiging available simula sa susunod na linggo ang nasa 300,000 Additional Beep Cards upang maresolba ang Shortage na nakaaapekto sa mga commuter ng tren sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, ipamamahagi ang Cards sa MRT Line 3, at LRT Lines 1 and 2.
ALSO READ:
Alinsunod aniya ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na solusyunan ang kakapusan ng Beep Cards na nagdudulot ng mahabang pila at abala sa mga pasahero.
Nagbabala rin si Dizon na hahabulin ng mga awtoridad ang mga sindikato na nagho-hoard ng Beep Cards para ibentang muli sa mas mahal presyo o hanggang tatlundaang piso bawat isa.




