NAGBUKAS ng dalawampu’t dalawa (22) pang Leptospirosis Fast Lanes sa mga ospital ng Department of Health sa bansa.
Ayon sa DOH, mula sa dalawampu’t pito (27) ay apat na pu’t siyam (49) na ngayon ang mga Leptospirosis Fast Lanes sa buong bansa.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ng kagawaran na ito ay para matiyak ang mas mabilis at epektibong pagresponde sa Leptospirosis Cases.
Gamit ang Fast Lanes, mabilis na natutukoy ang Risk Level ng pasyente at ang kanyang kinakailangang Medical Intervention.
Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na agad na magpakonsulta kung lumusong sa baha o nagkaroon ng exposure sa tubig-baha upang maiwasan ang panganib ng Leptospirosis.
