AABOT sa 175.37 billion pesos na halaga ng Investment Commitments ang inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) simula Enero hanggang Oktubre.
Ayon sa PEZA, ang inarprubahang Investment Pledges sa unang sampung buwan ng taon ay malapit nasa 250-Billion Peso Target ngayong taon.
Sinabi ng ahensya na lumago ang January to October 2025 Investment Approvals ng 41.72% mula sa 123.756 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
Inihayag ng PEZA na ang naturang halaga ay kumakatawan sa 243 na mga bago at Expansion Projects na inaasahang magdye-generate ng 6.079 billion dollars sa Exports at lilikha ng 59,937 na direktang mga trabaho.




