HINDI bababa sa dalawampu’t tatlo ang nasawi sa sunog na sumiklab sa isang General Store sa Northern Mexico, ayon sa State Governor.
Nangyari ang sunog sa isang Outlet ng Waldo’s Chain sa Hermosillo City, na kabisera ng Sonora State.
ALSO READ:
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Mga Pinoy sa Northern Japan pinag-iingat sa wild bear attacks
Colombian Military, binomba ang hinihinalang kampo ng mga rebelde; 19, patay!
Inihayag ni Governor Alfonso Durazo na bukod sa dalawampu’t tatlong nasawi ay mayroon ding labing isang nasugatan na nilalapatan ng lunas sa iba’t ibang ospital.
Batay sa Report ng Local Radio Station sa Sonora, labindalawang babae, limang lalaki, at anim na mga bata ang nasawi sa naturang trahedya.
Sa Post sa X, sinabi ng Sonora Public Security Secretariat na hindi Arson Attack o anupamang Intentional Act of Violence ang sunog, subalit hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.
