INAPRUBAHAN ng Estados Unidos ang 11.1 billion dollars na arms package sa Taiwan.
Ito ang pinakamalaking US weapons package para sa isla na nasa ilalim ng tumataas na military pressure mula sa China.
ALSO READ:
Ayon sa Defense Ministry ng Taiwan, saklaw ng proposed armed sales ang walong items, kabilang ang Himars Rocket Systems, Howitzers, Javelin Anti-Tank Missiles, Altius Loitering Munition Drones at parts para sa ibang equipments.
Inihayag ng ministry na ang package ay nasa Congressional Notification Stage, kung saan may tsansa na harangin o baguhin ng congress ang kanilang hirit, bagaman mayroong malawak na Cross-Party Support ang Taiwan.




