LUMAGO ng 6.7 percent ang Total Assets ng Philippine Banking Sector hanggang noong Agosto, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng Loans at Deposits.
Batay sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat sa 27.729 trillion pesos ang pinagsama-samang Assets ng mga bangko, as of August 2025 mula sa 25.988 trillion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Gayunman, mas mababa ito ng 0.04 percent kumpara sa 27.742 trillion pesos na naitala hanggang noong katapusan ng Hulyo.
Hawak pa rin ng Universal at Commercial Banks ang malaking bulto ng Assets ng Philippine Banking System na nasa 25.9 trillion pesos hanggang noong Agosto.
Sinundan ito ng Thrift Banks na may 1.3 trillion pesos; Rural at Cooperative Banks, 385.45 billion pesos; at Digital Banks na may 141.77- Billion Peso Assets.