DALAWANG Hong Kong Airport security ang patay matapos dumulas sa Runway ang isang Cargo Plane, at tumama sa kanilang Patrol Vehicle at inararo hanggang sa mahulog sa dagat.
Palapag na ang Emirates Flight EK9788 mula sa Dubai nang lumihis ito sa Runway, at tumama sa Perimeter Fence saka sumalpok sa sasakyan at itinulak ito hanggang sa dagat.
ALSO READ:
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Mga Pinoy sa Northern Japan pinag-iingat sa wild bear attacks
Colombian Military, binomba ang hinihinalang kampo ng mga rebelde; 19, patay!
Nasawi sa naturang insidente ang dalawang pasahero ng sasakyan habang bahagyang lumubog sa tubig Boeing 747 at ligtas ang apat nitong crew.
Isa ito sa Deadliest Aviation Incidents sa loob ng ilang taon sa Hong Kong International Airport na mayroong magandang Safety Record.
