Diniskuwalipika ng Judicial and Bar Council (JBC) si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para sa posisyon bilang Ombudsman.
Ayon sa source ng Abogado.com.ph, ang diskwalipikasyon ay dahil sa kinakaharap na kaso ni Remulla na inihain mismo sa Office the Ombudsman kaugnay ng pag-aresto kay Pangulong Rodrigo Duterte at pag-turnover dito sa International Criminal Court.
Noong Marso inirekomenda ni Senator Imee Marcos bilang pinuno ng Senate Foreign Relations Committee ang pagsasampa ng kasong graft, grave misconduct, usurpation of judicial functions, at arbitrary detention laban kay Remulla at iba pang opisyal.
Binanggit din ng source na disqualified din para sa Ombudsman post si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chair Felix Reyes dahil naman sa akusasyon ng “fixing” cases para sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.




