Nakabalik na ng bansa ang walong caregivers mula sa Israel na nag-avail ng voluntary repatriation program ng pamahalaan.
Sinalubong sila ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) Department of Social Welfare and Development (DSWD), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), DMW, at MIAA Medical Team nang dumating sa NAIA Terminal 1.
Ayon kay DMW Sec Hans Leo Cacdac, pinagkalooban ng tulong pinansyal ang mga umuwing OFW na kanilang magagamit panggastos habang naghahanap ng panibagong trabaho.
Kabilang sa mga nakauwi ay ang OFW na si Shirley Pita na 20 taong nagtrabaho bilang caregiver sa Israel at 15 taon nang hindi nakakauwi ng bansa.
Ito na ang ika-38 ng mga OFW na napauwi galing Israel simula nang ilunsad ang voluntary repatriation program noong October 2023.