BUMAGSAK ng 3.9 percent ang Import Volumes noong Nobyembre habang umabot sa 859.85 billion pesos ang koleksyon sa unang labing isang buwan ng taon, ayon sa Bureau of Customs (BOC).
Sinabi ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, na umabot ang Import Volumes sa 9.6 billion kilograms noong Nobyembre, na pasok sa panahon na ipinagbabawal ang pag-aangkat ng bigas.
Naitala ang koleksyon sa 75.22 billion pesos noong nakaraang buwan na mas mataas ng 3.8% kumpara noong November 2024, subalit kapos ng 5.95% sa target.
Sa kabila naman nito ay umaasa pa rin si Nepomuceno na makakamit ng BOC ang 958.7 billion pesos na Full-Year Revenue Goal ngayong 2025.




