Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bibigyan din ng tulong ang mga driver ng jeep na naapektuhan ang hanapbuhay at hindi nakapasada ng ilang araw dahil sa pagbaha.
Inatasan na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang DSWD Field Office sa National Capital Region para siguruhin na mabibigyan din ng family food packs ang mga miyembro ng Pasang Masda transport group sa Tayuman, Maynila.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Ayon kay Gachalian, nakarating sa kaniya na halos isang linggo nang hindi nakapasada ang mga jeepney driver sa kanilang ruta sa Maynila dahil sa baha sa mga lansangan na kanilang dinaraanan.
Nakipag-ugnayan aniya sa DSWD ang Pasang Masda sa pangunguna ni Ka Obet Martin para hilingin na magkaroon ng pamamahagi ng family food packs sa mga jeepney driver.
Ayon kay Gatchalian, nagtalaga na ang DSWD ng 3,500 boxes ng food packs para sa jeepney drivers.