Kinansela na ng Procurement Service ng Department of Budget and Management ang Philippines Government Electronic Procurement System o PhilGEPS membership ng siyam (9) na kumpanyang pag-aari ng contractor na si Sarah Discaya.
Ayon sa PS-DBM, effective immediately ang pagkansela ng membership ng mga kumpanya ni Discaya matapos na mabawi ang lisensya nila sa Philippine Contractors AccreditationBoard o PCAB.
Mag-asawang Discaya, pinangalanan ang mga kongresista at iba pang mga opisyal na nakinabang sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.
Pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga tiwaling contractors, inirekomenda na sa Ombudsman
Senador Tito Sotto, muling iniluklok bilang Senate President kapalit ni Senador Chiz Escudero
Batas na magtatatag sa Bataan High School for Sports, pirmado na ni Pangulong Marcos
Sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 12009 o New Government Procurement Act (NGPA), ang PCAB license ay kabilang sa requirement para makuha ang PhilGEPS Platinum Certificate o Platinum Membership.
Kasama sa binawian ng PhilGEPS membership ang St. Gerrard Construction, Alpha & Omega, St. Timothy Construction at anim na iba pang kumpanya na iniuugnay sa mga Discaya.
Ayon sa DBM, naipaalam na sa mga kumpanya ng Discaya ang kanselasyon ng kanilang PhilGEPS Platinum Membership.