Iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbaklas sa mga nag-viral na overlapping street signs sa Lungsod ng Maynila.
Paglilinaw ng alkalde hindi sa ilalim ng kanyang administrasyon nagsimula ang proyekto at inabutan na lamang niya ito.
ALSO READ:
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Base sa isinumiteng ulat ni City Engineer Armand Andres kay Moreno, umabot sa 39.9 million pesos ang ginastos para sa proyektong “Installation of Reflectorized Street Name Signages”.
Ipinatupad sa lahat ng anim na distrito sa Maynila.
Partikular na pinabaklas ng alkalde ang mga lumang signages upang maiwasan ang pagdodoble at kalituhan sa mga lansangan.
