NAGLABAS ng subpoena ang Office of the Ombudsman upang atasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-produce at i-turnover ang lahat ng computers at devices na inisyu kay Dating Undersecretary Maria Catalina Cabral.
Sinabi ni Ombudsman Spokesperson Mico Clavano, na sa sandaling i-turnover, ang mga device ay isasailalim sa forensic examination ng Law Enforcement Agency upang matukoy kung mayroong binago, binura, o pinakialamang datos matapos mabunyag ang flood control scandal.
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Acting PNP Chief Nartatez personal na dumalaw sa mga sugatang pulis at pinarangalan ang nasawing kasamahan sa Quezon
Idinagdag ni Clavano na inaasahan nila ang mabilis at full compliance mula sa DPWH.
Bilang tugon, isinurender ng ahensya ang lahat ng data storage devices, documents, records, at files sa ilalim ng opisina ni Cabral sa Office of the Ombudsman at sa Philippine National Police.
Si Cabral na iniuugnay sa maanomalyang flood control projects ay pumanaw matapos umanong mahulog sa bangin sa bahagi ng Kennon Road sa Tuba, Benguet.
