ININSPEKSYON ng mga awtoridad ang ilang tindahan ng mga paputok at pailaw sa Bocaue, Bulacan, bago ang pagdiriwang ng holidays.
Nagsagawa ng joint inspection ang PNP at Bulacan Provincial Government sa fireworks capital ng bansa bilang bahagi ng kanilang kampanya na tiyakin ang kaligtasan ng publiko, sa gitna ng inaasahang pagtaas ng firecracker -related injuries tuwing holidays.
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Sinabi ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Nartatez Jr. na nais nilang mabawasan ang panganib na maaring magdulot ng kamatayan, pagkawala ng ari-arian, at firecracker incidents.
Inihayag naman ni Bulacan Governor Daniel Fernando na isusulong ng lokal na pamahalaan ang pagpapalakas sa maliliit na pyrotechnic businesses sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga kooperatiba at pagbibigay ng suporta sa kanilang mga lisensya.
Pinaalalahanan din ni Fernando ang publiko na huwag bumili ng mga iligal na paputok.
