HINIKAYAT ni Education Secretary Sonny Angara ang mga guro na samantalahin ang pag-iral ng Wellness Break upang mag-recharge, magpahinga at pangalagaan ang kanilang kalusugan.
Sa ganitong paraan ayon kay Angara, pagbalik sa trabaho ng mga guro sa November 3, sila ay mas masigla at mas inspiradong maglingkod.
ALSO READ:
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Dagdag ni Angara, ang Wellness Break ay maaari ding magamit para makapaglaan ng panahon ang mga guro sa kanilang pamilya.
Ito ay bilang pagsusulong aniya ng balanseng buhay at maayos na kalagayan para sa bawat kawani at mag-aaral ng DepEd.
