TARGET ng Independent Commission for Infrastructure na mabuo na ang Rules sa pagsasagawa ng Livestream sa mga pagdinig nito sa susunod na buwan.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, dapat ay tapos na ang Rules bago ang nakatakdang pagdinig ng ICI sa November 11.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Inaaral ng ICI ayon kay Hosaka ang mga batas at Jurisprudence kabilang ang mga desisyon ng Supreme Court sa usapin ng pagsasagawa ng Livestreaming.
Inaasahang haharap sa pagdinig ng komisyon sa nasabing petsa si Dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
Wala pa namang bagong Schedule para sa pagbabalik ni Dating House Speaker Martin Romualdez sa ICI.
