INANUNSYO ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na iniurong bukas, Dec. 13, ang Bicameral Conference Committee meeting, na magre-reconcile sa mga hindi napagkasunduang probisyon sa proposed 6.793-Trillion Peso National Budget para sa susunod na taon.
Una nang itinakda ng mga miyembro ng senado at kamara na mag-convene ng Dec. 11 hanggang 13, matapos maipasa ng mataas na kapulungan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang 2026 General Appropriations Act (GAA), na naglalaman ng Proposed 2026 Budget.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Sinabi ni Sotto na iniurong nila ang Bicam bukas, matapos humirit ang technical staff ng Senado at Kamara ng isa pang araw.
Kinumpirma rin ni Senador Sherwin Gatchalian, Chairperson ng Senate Finance Committee, ang postponement, kasabay ng pagsasabing gaganapin ang meeting sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
