NANANATILING puno ng Rice Buffer Stocks ang mga warehouse ng National Food Authority (NFA) sa buong bansa, sa kabila ng sunod-sunod na mga bagyo na tumama noong nakaraang linggo.
Sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na hindi pa nababawasan ng nang malaki ang kanilang stocks sa mga bodega.
ALSO READ:
33 million pesos na Relief Aid, ipinagkaloob ng EU sa mga biktima ng baha sa Pilipinas
Mahigit 880,000, nakapag-rehistro sa unang 4 na araw ng Voter Registration
VP Sara Duterte at ilang abogado, pinagsusumite ng komento ng Supreme Court; Oral Arguments sa Impeachment laban sa bise presidente, inihirit ng iba’t ibang indibidwal
Pangulong Marcos, umaasang masusuyod ang mga oportunidad sa teknolohiya at geopolitics sa kanyang State Visit sa India
Aniya, kahit na dumating pa ang mga bagyo ay handa sila, at kung meron man na na-damage ay dalawa lang, at ito ay sa Alaminos, Pangasinan, at sa La Union.
Idinagdag ni Lacson na mayroong sapat na stock ang NFA na tatagal ng labindalawang araw, o katumbas ng siyam na milyong sako ng palay.