Nilinaw ng Land Transportation Office ang mga lumabas na report na papatawan ng multa ang mga may-ari ng sasakyan na mabibigong i-claim ang kanilang plaka at patuloy na gagamit ng improvised plates.
Ayon sa LTO walang ganitong kautusan ang ahensya.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Sinabi ng LTO na inatasan lamang nito ang lahat ng tauhan na gawin ang lahat para makasunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Na mai-release ang mga plaka sa loob ng tatlong buwan.
Umapela ang ahensya sa lahat ng motor vehicle owners na hindi nakukuha ang kanilang orihinal at replacement plates na gamitin ang online platform na LTOTracker o magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO.
Ang mga Regional Offices at District Offices naman ay inatasan nang paigtingin ang information drive sa plate distribution.
