HANDA si Vice President Sara Duterte na maging presidente kung bababa sa poder si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng mga isyu ng katiwalaan sa pamahalaan.
Sinabi ni VP Sara, na walang kwestyon sa kanyang kahandaan, dahil iprinisinta niya ang kanyang sarili nang kumandidato siya bilang bise presidente nang nauunawaan na siya ang first line in succession.
ALSO READ:
Mahigit 9,000 na pulis, ipakakalat ng PNP sa Trillion Peso March sa Nov. 30
Net Worth ni COA Commissioner Lipana, lumobo ng 120% simula 2022 hanggang 2024, ayon sa kanyang SALN
Rekomendasyon na panagutin si Dating Speaker Martin Romualdez sa flood control scandal, ibinase sa ebidensya – DPWH chief
Kickback sa LOA ng BIR, ibinunyag sa senado
Nitong mga nakalipas na araw ay patuloy ang panawagan ng mga progresibong grupo na magbitiw na sina Marcos at Duterte.
Una nang inihayag ng malakanyang na wala sa option ni Pangulong Marcos na magbitiw, kasunod ng akusasyon ng kapatid na si Senador Imee Marcos na gumagamit ng iligal na droga ang punong ehekutibo.
