LUMOBO ng 2.9 percent ang vehicle sales noong Pebrero kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association, umakyat sa 39,164 units ang naibenta noong ikalawang buwan mula sa 38,072 units noong February 2024.
ALSO READ:
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Umabot naman sa 1,816 units ang naibentang electric vehicles sa naturang buwan.
Umakyat naman sa 76,768 units ang vehicle sales noong Enero at Pebrero, mas mataas ng 6.4 percent mula sa 72,132 units na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.