HINIKAYAT ni Ecuadorian President Daniel Noboa ang foreign armies na tulungan siyang sugpuin ang gang violence sa kanyang bansa.
Sinabi ni Noboa na nais niyang samahan siya ng US, European, at Brazilian armies sa kanyang “War on Gangs.”
Aniya, kailangan ng Ecuador ng mas maraming armed forces para labanan ang criminal groups.
Una nang inihayag ni Noboa na nakikipag-ugnayan na ang kanilang pamahalaan kaugnay ng tatanggaping foreign military support para sa mga probinsya, gaya sa Guayas na mataas ang kaso ng krimen.