28 April 2025
Calbayog City
Province

6 na dayuhan at 2 Pinoy, nasakote sa Subic Bay bunsod ng hinihinalang paniniktik

ANIM na dayuhan at dalawang Pilipino ang inaresto ng mga awtoridad sa Grande Island, Subic Bay bunsod ng hinihinalang espionage o paniniktik at kidnapping activities.

Ayon sa Department of National Defense, isinisilbi ang arrest warrant sa Chinese National na si Ye Tianwu dahil sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, nang mahuli nila ang limang iba pa sa operasyon.

Kinilala naman ang dalawang Pinoy na sina Melvin Aguillon Jr. at Jeffrey Espiridion, na kapwa empleyado umano ng isa pang suspek na Cambodian National na si Ang Dek o Dick.

Narekober mula sa mga suspek ang iba’t ibang cellphones at laptops, isang caliber 9mm, at labing anim na rounds ng 9mm ammunition.

Inilarawan ng DND ang Grande Island bilang “Strategic Vantage Point” na may malinaw na view sa West Philippine Sea, kabilang ang Bajo De Masinloc o Scarborough Shoal.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).