NANAWAGAN ang Alas Pilipinas Men Team Captain na si Marck Espejo sa mga Pilipino na suportahan at panoorin silang maglaro sa Southeast Asian Volleyball League (SEA V. League), kung saan magsisilbing host ang bansa.
Gaganapin ang SEA V. League sa Candon, Ilocos Sur, simula July 9 hanggang 13.
ALSO READ:
Justin Brownlee, pangungunahan ang 18-Man Pool ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
Barangay Ginebra, natakasan ang Phoenix sa nagpapatuloy na Philippine Cup
Hidilyn Diaz, pangungunahan ang Philippine Weightlifting Team sa Thailand SEA Games
Alas Pilipinas Player Ike Andrew Barilea, pumanaw sa edad na 21
Sinabi ni Espejo na first time nilang maglalaro na malayo sa Metro Manila at excited na silang maramdaman ang suporta mula sa fans sa probinsya.
Bukod sa Pilipinas, tampok din sa tournament ang mga koponan mula sa Cambodia, Indonesia, Thailand, at Vietnam.
