PINADAPA ng Filipina Tennis Ace na si Alex Eala ang kalabang American na si Katie Volynets, sa round of 128 ng Miami Open.
Tinalo ni Eala na Rank No. 140 sa WTA ang No. 73 na si Volynets para maka-abante sa round of 64.
Ito rin ang unang panalo ng Pinay Tennis Sensation sa Miami Open Draw.
Gayunman, may mas malakas na kalaban ang makakaharap ni Eala sa katauhan ni 2017 French Open Champion at WTA No. 5 Jelena Ostapenko ng Latvia.