INANUNSYO ni US President Donald Trump na agad niyang tatanggalin si Federal Reserve Official Lisa Cook mula sa posisyon nito, sa gitna ng paglala ng Conflict nito laban sa US Central Bank.
Sinabi ni Trump na mayroong sapat na dahilan para paniwalaang gumawa si Cook ng False Statements sa Mortgage Agreements, at tinukoy ang kanyang Constitutional Powers para sibakin ang opisyal sa pwesto.
Pinalagan naman ito ni Cook sa pagsasabing walang kapangyarihan si Trump na sisantehin siya, kasabay ng paninindigan na hindi siya magre-resign.
Isa itong Unprecedented Move para sa isang pangulo na sibakin ang isang miyembro ng Central Bank, at lumalabas na pini-pressure ni Trump ang FED, lalo na ang chairman nito na si Jerome Powell, dahil tila kawalan nito ng gana na ibaba ang Interest Rates.