LUMUBOG sa baha ang sikat na Strawberry Farm sa La Trinidad, Benguet bunsod ng masamang panahon.
Bukod sa Strawberries, naapektuhan din ang iba pang mga pananim, gaya ng lettuce at repolyo.
ALSO READ:
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Ayon sa magsasaka, ilan sa kanilang mga produkto ay katatanim lamang bilang paghahanda para sa anihan sa Disyembre.
Samantala, nagulat ang mga residente sa Sitio Bayabas sa La Trinidad nang rumagasa at pumasok sa kabahayan ang maputik na baha mula sa itaas ng bundok sa gitna ng malakas na ulan noong Linggo.
Nagmistula namang ilog ang mga kalsada sa Poblacion Buyagan dahil sa malakas na buhos ng ulan.
