INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit nang maipatupad ng buo ang Universal Health Care para sa lahat ng Pilipino.
Ginawa ng pangulo ang pahayag nang inspeksyunin nito ang implementasyon ng Zero Balance Billing System sa Bataan General Hospital and Medical Center (Bataan GHMC).
Sinabi ni Pangulong Marcos na masaya siya dahil nasa 80 percent on the way na ang Universal Health Care, at kaunti na lang ang kulang para maipatupad ito ng buo.
Sa pag iinspeksyon ni Marcos, nasaksihan niya ang binuong Enhanced Patient Assist and Roving Personnel ng ospital, na nagbibigay ng Hands-On Support sa pagproseso at pagsusumite ng PhilHealth Requirements para sa naka-admit na pasyente.
Layunin nito na alisin ang Delays at Administrative Tasks sa mga pasyente, pati na sa mga miyembro ng kanilang pamilya.




