Isinuko ng social media influencer na Cherry White sa Land Transportation Office ang kaniyaNg driver’s license kasabay ng pagdalo niya sa pagdinig sa kasong reckless driving.
Kaugnay ito ng viral video ng vlogger na makikitang nagmamaneho siya ng nakataas ang paa at pasayaw-sayaw pa.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Ayon kay Acting Assistant Secretary at LTO Chief, Atty. Greg Pua, Jr. inamin ng vlogger ang pagkakamali, humingi ng paumanhin at tiniyak ang kooperasyon sa LTO Intelligence and Investigation Division.
Ipinaliwanag din ng vlogger na nangyari ang insidente tatlong buwan na ang nakararaan na kaniyang ibinahagi sa kaniyang Instagram account, gayunman, nag-viral ito nang i-post ng isang netizen.
Inatasan ng LTO si Cherry White na magsumite ng dokumento ng sasakyang gamit niya sa viral video sa susunod na pagharap niya sa ahensya.
