PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang Local Health Board Meeting, kung saan pinagtibay nito ang Commitment ng lungsod sa Responsive and Collaborative Health Governance.
Iprinisinta ng City Health Office ang Updates sa Influenza-Like Illnesses (ILI) at Dengue Cases, kasabay ng pagbibigay diin sa isinasagawang Surveillance, Community Engagements, at Preventive Strategies.
ALSO READ:
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Tinukoy ni Mayor Mon ang kahalagahan ng napapanahong koordinasyon at Sustained Public Awareness upang maprotektahan ang kabutihan ng mga Calbayognon. Present din sa Session si Prof. Lotta Maderazo Tenebroso, Area Chairperson ng Pathfit Department sa Northwest Samar State University (NWSSU), na nagpakilala sa Lifetime Program Towards Health Wellness.
