NAKUMPLETO na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Southern Leyte Provincial Office ang iba’t ibang Infrastructure Projects sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP) sa malalayong lugar at dating magulong mga komunidad sa bayan ng Sogod.
Layunin ng mga proyekto na ipinatupad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Sogod at ng 14th Infantry Battalion ng Philippine Army, na maibalik ang pangmatagalang kapayapaan ang inklusibong pag-unlad sa malalayong mga barangay na dating pinerwisyo ng insurhensiya.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Sinabi ng DILG Southern Leyte Provincincial Office na sa pamamagitan ng mga proyekto ay tiyak na magkakaroon ang mga residente ng mas magandang Access sa Basic Services at Livelihood Opportunities.
Kabilang sa mga natapos na proyekto ang Farm-to-Market Roads (FMRs) sa mga Barangay Pancho Villa at SF Mabuhay (Phases 1 at 2); FMR at Water System Project sa Barangay Hipantag; School Building sa Barangay Dagsa; at Potable Water Supply System sa Barangay Pandan.
