INIREKOMENDA ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng Pamahalaan, kabilang sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, bunsod ng maanomalyang Flood Control Projects.
Kahapon ay isinumite ng ICI, sa pamumuno ng kanilang chairperson na si Andres Reyes ang kanilang Interim Report at Recommendation sa opisina ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Ito ang ikalawang rekomendasyon ng komisyon sa Office of the Ombudsman mula nang umpisahan nila ang imbestigasyon sa Flood Control Scandal noong Sept. 19.
Kabilang din sa mga inirekomendang kasuhan sina Dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Reberto Bernardo, Commission On Audit (COA) Commissioner Mario Lipana, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at Dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy.
Sinabi ng ICI chairperson na mga sangkot na opisyal ay maaring managot sa mga kasong Direct or Indirect Bribery, Corruption of Public Officials, at Plunder sa ilalim ng umiiral na Anti-Graft Laws.
