Talong miyembro ng LGBT Community ang nag-avail ng Libreng Tuli program ng City Government ng Lapu-Lapu City.
Ayon kay Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan, nagpasya sina alyas Layla, 22-anyos, alyas Lesley, 26-anyos at alyas Hanabi, 35-anyos na tumalima sa panawagan ng City LGU na magpatuli na dahil “Walang apo si Lapu-Lapu na supot”.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Tumanggap sila ng tig-P10,000 na insentibo.
Paalala ng City LGU, base sa mga doktor, sa pamamagitan ng pagpapatuli ay maiiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit na UTI, STI at penile cancer.
Nagpapatuloy ang Libreng Tuli program ng Lapu-Lapu City government at ang mga magpapatuli na edad 20 pataas ay binibigyan ng P10,000 na insentibo.
