KINASUHAN sa Office of the Ombudsman si Tarlac 3rd District Rep. Noel Rivera, misis niya na si Concepcion Vice Mayor Evelyn Rivera, at DPWH 1st District Engr. Neil Farala bunsod ng umano’y pagsasabwatan para makakuha ng Government Contracts na nagkakahalaga ng 600 million pesos ang kumpanya na pag-aari ng mag-asawa.
Inakusahan ng Complainant na si Pyra Lucas, Founder ng United Pilipino Against Crime and Corruption (UPACC), si Cong. Rivera na lumagda ng nasa tatlumpung kontrata sa Pamahalaan para sa kumpanya nitong Tarlac 3G Construction & Development Corp., simula noong 2018.
DPWH Office sa Quezon City, nasunog! Insidente, pinasisilip sa NBI
Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30
Hearing ng ICI sa Flood Control Scandal, mapapanood na sa Livestream simula sa susunod na Linggo
Goitia: Ang Pagprotekta sa Pangulo ay Pagprotekta sa Republika
Sinabi ni Lucas na malinaw na may sabwatan dahil batid ng district engineer na inaward ang kontrata sa kongresista at sa misis nitong vice mayor na nagsisilbi ring treasurer ng korporasyon.
Hinimok ng complainant ang Ombudsman na imbestigahan ang umano’y mga mansyon, Landhildings, at Resort properties, pati na Luxury Cars ng mag-asawa.
Nahaharap ang respondents sa paglabag sa Anti-Plunder Act, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Unexplained Wealth Provisions, at Government Procurement Act.
Inakusahan din sila ng Abuse of Authority, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, Grave Misconduct, at Serious Dishonesty.