INANUNSYO ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na mapapanood na sa Livestream ang kanilang imbestigasyon sa Flood Control Anomalies simula sa susunod na Linggo.
Ginawa ni ICI Chairman Andres Reyes Jr. ang anunsyo sa Organizational Meeting ng Senate Committee on Justice and Human Rights, para talakayin ang Senate Bill No. 1215, na naglalayong lumikha ng Independent People’s Commission (IPC) na mag-iimbestiga sa mga anomalya sa lahat ng Government Infrastructure Projects.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Ikinatuwa naman ni Senador Kiko Pangilinan, Chairman ng Komite, ang naturang Development.
Noong nakaraang buwan ay inihayag ni ICI Executive Director Brian Keith Hosaka na hindi ipalalabas sa Livestream ang Hearings ng Komisyon upang maiwasan ang ‘Trial by Publicity’ at anumang Political Influence.
