SA kabila ng pagsipa ng Flu Cases na nagresulta sa suspensyon ng Face-to-Face Classes sa iba’t ibang lalawigan at paglipat sa Asynchronous Learning, inanunsyo ng Calbayog City Health Office (CHO) na walang Flu Outbreak sa lungsod.
Sa datos mula sa Epidemiology Department ng CHO, nakapagtala lamang ang Calbayog ng 127 Cases ng mala-trangkasong sakit simula Jan. 1 hanggang Oct. 18 ngayong taon.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Mas mababa ito ng 65% kumpara sa 127 Cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Gayunman, sa Social Media post, kahapon, hinimok pa rin ng CHO ang mga Calbayognon na doblehin ang pag-iingat laban sa Influenza-like Illness.
Pinayuhan ng Health Office ang publiko na manatili sa bahay at agad kumonsulta sa doktor kung nakararanas ng mga sintomas, gaya ng ubo, pananakit ng lalamunan, at katawan.
