IPADADALA ng Sweden ang nasa animnaraang kriminal para pagsilibihan ang kanilang sentensya sa kulungan sa Estonia, sa ilalim ng kasunduan upang mabawasan ang overcrowded jails sa bansa.
Simula sa Hulyo sa susunod na taon ay magpapadala ang Sweden ng mga lalaking disi otso anyos pataas na convicted sa mga krimen, mula murder hanggang sexual offenses sa bilangguan sa Tartu City sa Estonia.
Ang naturang kasunduan ay kailangang aprubahan ng parliamento ng dalawang bansa.
Magbabayad ang Sweden ng 8,500 euros kada buwan para sa isang inmate, mas matipid kumpara sa average na 11,500 euros kada buwan na gastos sa Sweden.