20 June 2025
Calbayog City
Provincial

3 miyembro ng pamilya, patay sa aksidente sa highway sa Sarangani

PATAY ang tatlong miyembro ng isang pamilya sa salpukan ng kotse at truck, sa Malungon, Sarangani.

Nangyari ang aksidente sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Talus.

Kinilala ang mga nasawi na sina Abdulmajid Sarapudin, asawa niyang si Ivy Lou, at tatlong taong gulang nilang anak na babae.

Lulan ng kotse ang mag-anak nang mawalan ng kontrol si Sarapudin matapos dumulas ang unahang gulong nito sa kalsada dahil sa bitak sa pagitan ng semento at aspalto.

Sumalpok ang sasakyan ng pamilya sa kasalubong na truck na naging dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).