Pinagtibay Supreme Court (SC) ang inisyung subpoena ng Senado na nag-aatas kay dating Bamban Mayor Alice Guo na humarap sa imbestigasyon kaugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator o POGO.
Sa desisyon ng Supreme Court En Banc, ibinasura ang petisyon ni Guo na kumukwestyon sa subpoena ng komite sa Senado at pagbawalan ang komite na ipatawag siya bilang resource person.
Ayon sa Korte Suprema, sinunod ng Senate committee ang rules nito at ang isinasaad ng Konstitusyon nang mag-isyu ng subpoena.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Dagdag pa ng Mataas na Hukuman, hindi nalabag ang karapatan ni Guo at ang imbestigasyon ay lehitimong pagganap sa legislative power ng Senado na layong protektahan ang public interest.
Hindi rin pinagbigyan ng SC ang hiling ni Guo na bawiin ang ipinataw na contempt sa kaniya ng Senado dahil noong unang humarap siya sa hearing ay pa-ulit ulit siyang tumanggi na sagutin ang mga katanugan ng komite.