INANUNSYO ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pagpapatupad ng Moratorium sa importasyon ng Molasses hanggang sa katapusan ng taon.
Sa gitna ito ng na-obserbahang pagbaba ng presyo ng Locally Produced Sugarcane Byproduct.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Sa Statement, sinabi ng SRA na naglabas ang Sugar Board ng Molasses Order No. 1 noong Sept. 30 para suspindihin ang pag-aangkat ng Molasses habang nire-review ang ilang partikular na polisiya, upang makuha ang balanse na magiging kapaki-pakinabang sa Local producers at users.
Sa naturang Order, binigyang diin ng ahensya na Molasses Importation noong nakaraang Crop Year ay tumaas ng 28% kumpara noong sinundan nitong taon, na may total na 853,285 metric tons.
Bagaman ang Moratorium ay nakatakdang mag-expire sa katapusan ng 2025, inihayag ng SRA na maari itong palawigin o bawiin depende sa Stock Balance.