INIUGNAY sa government spending at matatag na economic activity ang tumaas na Gross Regional Domestic Expenditure (GRDE) sa Eastern Visayas noong 2024.
Pahayag ito ng isang opisyal ng Department of Economy, Planning and Development (depdev), na dating National Economic and Development Authority.
ALSO READ:
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Ayon kay DEPDEV Eastern Visayas Regional Director Meylene Rosales, tumaas ng 6.2 percent o sa 555.62 billion pesos ang GRDE noong nakaraang taon mula sa 523.22 billion pesos noong 2023.
Ipinaliwanag ni Rosales na ang pagtaas ng household spending ay iniugnay sa pag-angat ng household incomes na resulta ng tumaas na sweldo at napanatiling government assistance.
