NANAWAGAN ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga paaralan sa Eastern Visayas na gampanan ang kanilang bahagi sa pagtugon sa mental health crisis.
Sa pamamagitan ito ng paglikha ng mga polisiya at programa para sa mga estudyante, guro, at iba pa upang itaas ang kamalayan sa mahahalagang isyu.
Sinabi ni Atty. Marierose Alvero-Joaquin, Officer-in-Charge ng CHR Eastern Visayas Regional Office, na naglabas sila ng advisory kung saan nakalatag ang mga obligasyon ng educational institutions sa ilalim ng mental health act ng bansa.
Pinayuhan din ng opisyal ang mga eskwelahan na tukuyin at bigyan ng suporta at serbisyo ang mga indibidwal na “at risk” at mag-facilitate ng access, kabilang ang referral mechanisms para sa mga mayroong mental health conditions upang mabigyan ng treatment at psychosocial support.