ITINANGGI ng Pilipinas ang report ng Chinese State Media na kontrolado na ng Beijing ang Sandy Cay, isang sandbank malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Binigyang diin ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya na hindi naiwala ng Pilipinas ang Pag-asa Cay.
Sinabi ni Malaya na walang katotohanan ang ibinida ng Chinese coast guard na okupado na nila ang Pag-asa Cay.Idinagdag ng NSC official na hindi rin suportado ng facts ang statement na galing mula sa China coast guard.