TATLONG patrol boats ang itinurn-over sa Southern Leyte upang paigtingin ang kanilang Fisheries Law Enforcement sa Silao-Cabalian Bay.
Ang bagong patrol boats ay donasyon ng Canadian Embassy at Non-Government Organization na Wildaid and Rare, para sa mga miyembro ng Pacific Area Alliance of Local Governments for Marine Resources Development (PALMDEV) sa Southern Leyte.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sinaksihan ng mga opisyal ang formal turnover ng patrol boats, sa bayan ng Hinundayan.
Ang mga miyembro ng naturang alyansa ay ang mga bayan ng Silao, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan, San Juan, Saint Bernard, San Ricardo, at Liloan sa Southern Leyte.
Isinailalim ang patrol boats at law enforcement tools sa kustodiya ng Philippine National Police Maritime Group at Local Government Units ng Hinundayan at Anahawan.
