DALAWANG kabataang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa pulis sa Samar, bilang pagsunod sa panawagan ng pamahalaan sa mga rebelde na bumalik na sa kanilang mga pamilya.
Ayon sa Police Regional Office sa Eastern Visayas (PRO-8), pinangasiwaan ng police units ang boluntaryong pagsuko ng dalawang NPA members sa bayan ng Gandara.
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Bagong rehabilitation center, binuksan sa Albuera, Leyte
DSWD-8, naghahanda para sa 3.49 billion pesos na social pension ng senior citizens
Kinilala ang mga ito na sina alyas “Rambo,” 21 anyos, at “Tano,” 25 anyos, kapwa magsasaka at residente ng naturang bayan.
Ang mga sumuko ay mga dating miyembro ng NPA Squad 3 sa ilalim ng SRC-Emporium of the Eastern Visayas Regional Party Committee at dating nag-operate sa Matuguinao, Samar.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pag-turnover din nila ng .38-caliber pistol sa mga awtoridad.
